19 Napangasawa ni Hodia ang kapatid ni Naham. Ang isa sa mga anak niya ay ama ni Keila na Garmita, at ang isa naman ay ama ni Estemoa na Maacateo.
20 Ang mga anak na lalaki ni Shimon ay sina Amnon, Rina, Ben Hanan at Tilon. Ang mga angkan ni Ishi ay sina Zohet at Ben Zohet.
21 Ito ang mga angkan ni Shela na anak ni Juda: si Er (na ama ni Leca), at si Laada (na ama ni Maresha), at ang pamilya ng mga tagagawa ng telang linen sa Bet Ashbea.
22 Ito pa ang mga angkan Shela: si Jokim, ang mga mamamayan ng Cozeba, si Joash, at si Saraf na namuno sa Moab at sa Jashubi Lehem. (Ang talaang ito ay mula sa matagal nang dokumento.)
23 Sila ang mga magpapalayok na nakatira sa Netaim at Gedera. Nagtatrabaho sila para sa hari.
24 Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Nemuel, Jamin, Jarib, Zera at Shaul.
25 Si Shaul ang ama ni Shalum, si Shalum ang ama ni Mibsam, at si Mibsam ang ama ni Mishma.