36 Elyoenai, Jaakoba, Jeshohaya, Asaya, Adiel, Jesimiel, Benaya
37 at Ziza na anak ni Shifi at apo ni Allon, at apo sa tuhod ni Jedaya. Si Jedaya ay anak ni Shimri at apo ni Shemaya.
38 Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Lalong dumami ang pamilya nila,
39 kaya napunta sila sa hangganan ng Gedor, sa gawing silangan ng lambak. Naghanap sila roon ng mapagpapastulan ng kanilang mga tupa,
40 at nakakita sila ng mayabong at magandang pastulan. Malawak ang lugar na ito at mapayapa. Doon dati nakatira ang ibang lahi ni Ham.
41 Pero noong panahon na si Haring Hezekia ang hari ng Juda, nilusob ang lahi ni Ham ng lahi ni Simeon na ang mga pangalan ay nabanggit sa itaas. Nilusob din nila ang mga Meuneo na doon din nakatira, at nilipol nila sila nang lubusan. Pagkatapos, sila ang tumira roon hanggang ngayon, dahil mayroong pastulan doon para sa kanilang mga tupa.
42 Lumusob ang 500 sa kanila sa kabundukan ng Seir. Pinangunahan sila nina Pelatia, Nearia, Refaya at Uziel na mga anak ni Ishi.