19 Nakipaglaban sila sa mga Hagreo, Jetureo, Nafiseo, at Nodabeo.
20 Humingi sila ng tulong sa Dios nang nakipaglaban sila, at dahil nagtiwala sila sa kanya, tinugon ng Dios ang panalangin nila. Kaya pinagtagumpay sila ng Dios sa mga Hagreo at sa mga kakampi nito.
21 Pinagkukuha nila ang hayop ng mga Hagreo: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. Binihag din nila ang 100,000 tao,
22 at marami silang napatay dahil tinulungan sila ng Dios sa pakikipaglaban. Tinirhan nila ang mga lugar na ito hanggang sa mabihag sila ng ibang bansa.
23 Ang kalahating angkan ni Manase ay napakarami. Tumira sila sa mga lupain mula sa Bashan papunta sa Baal Hermon, Senir, at Bundok ng Hermon. At napakarami nila.
24 Ito ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya: sina Efer, Ishi, Eliel Azriel, Jeremias, Hodavia at Jadiel. Matatapang silang mandirigma at tanyag na mga pinuno ng mga pamilya nila.
25 Pero hindi sila naging tapat sa Dios ng kanilang mga ninuno, sa halip sumamba sila sa mga dios ng mga taong nilipol ng Dios sa lupaing iyon.