27 Eliab, Jeroham, Elkana at Samuel.
28 Ang mga anak na lalaki ni Samuel ay si Joel, ang panganay, at ang ikalawa ay si Abijah.
29 Sa mga angkan ni Merari: sina Mahli, Libni, Shimei, Uza,
30 Shimea, Haggia at Asaya.
31 May mga taong itinalaga ni David sa pag-awit at pagtugtog sa bahay ng Panginoon matapos malipat doon ang Kahon ng Kasunduan.
32 Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit doon sa Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan hanggang sa panahon na naipatayo ni Solomon ang templo ng Panginoon sa Jerusalem. Ginawa nila ang kanilang gawain ayon sa mga tuntunin na ipinatupad sa kanila.
33 Ito ang mga naglilingkod na kasama ang kanilang mga anak:Si Heman na isang musikero na mula sa angkan ni Kohat. (Si Heman ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Samuel. Si Samuel ay anak ni Elkana.