2 Ang mga anak na lalaki ni Tola ay sina Uzi, Refaya, Jeriel, Jamai, Ibsam at Shemuel. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Nang si David ang hari, 22,600 ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa mga angkan ni Tola.
3 Ang anak na lalaki ni Uzi ay si Izrahia. Si Izrahia at ang kanyang apat na anak na sina Micael, Obadias, Joel at Ishia, ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya.
4 Marami silang asawaʼt anak, kaya ayon sa talaan ng kanilang mga angkan, mayroon silang 36,000 lalaking handa sa paglilingkod sa militar.
5 Ang bilang ng mga lalaking handa sa paglilingkod sa militar mula sa lahat ng pamilya ni Isacar ay 87,000, ayon sa talaan ng kanilang lahi.
6 May tatlong anak na lalaki si Benjamin: sina Bela, Beker at Jediael.
7 Si Bela ay may limang anak na lalaki na sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot at Iri. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Ang bilang ng kalalakihan nilang handa sa paglilingkod sa militar ay 22,034, ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.
8 Ang mga anak na lalaki ni Beker ay sina Zemira, Joash, Eliezer, Elyoenai, Omri, Jeremot, Abijah, Anatot at Alemet. Silang lahat ang anak ni Beker.