5 Sa mga Shilonita: si Asaya (ang panganay) at ang mga anak niya.
6 Sa mga Zerahita: ang pamilya ni Jeuel. Silang lahat ay 690 mula sa lahi ni Juda.
7 Sa lahi ni Benjamin: si Salu na anak ni Meshulam (si Meshulam ay anak ni Hodavia; si Hodavia ay anak ni Hasenua),
8 si Ibneya na anak ni Jeroham, si Elah na anak ni Uzi (si Uzi ay anak ni Micri), at si Meshulam na anak ni Shefatia (si Shefatia ay anak ni Reuel; si Reuel ay anak ni Ibnia).
9 Silang lahat ang pinuno ng kanilang mga pamilya. Mula sa lahi ni Benjamin, ang lahat ng nakabalik na lalaki ay 956 ayon sa talaan ng kanilang mga lahi.
10 Sa mga pari: si Jedaya, si Jehoyarib, si Jakin,
11 si Azaria na pinakamataas na opisyal sa templo ng Dios (anak siya ni Hilkia; si Hilkia ay anak ni Meshulam; si Meshulam ay anak ni Zadok; si Zadok ay anak ni Merayot; si Merayot ay anak ni Ahitub),