11 Sinabi pa rin ni Yahweh, ‘Pag-aawayin ko ang iyong sambahayan; sa harapan mo'y ibibigay ko sa iba ang iyong mga asawa, at sisipingan sila kahit sa katanghaliang-tapat.
12 Ginawa mo ito nang lihim, hayag kitang paparusahan at makikita ito ng buong Israel.’”
13 Sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako kay Yahweh.”Sumagot si Natan, “Pinapatawad ka na ni Yahweh at hindi ka mamamatay.
14 Ngunit dahil nilapastangan mo si Yahweh, ang magiging anak mo ang mamamatay.”
15 Pagkatapos nito'y umuwi na si Natan.Tulad ng sinabi ni Yahweh, ang anak ni David sa asawa ni Urias ay nagkasakit nang malubha.
16 Nanalangin si David sa Diyos para gumaling ang bata. Nagdamit siya ng panluksa at nag-ayuno, at sa lupa nahiga nang gabing iyon.
17 Lumapit sa kanya ang matatandang pinuno sa palasyo at hinimok siyang bumangon, ngunit tumanggi siya. Ayaw rin niyang kumain.