12 Ginawa mo ito nang lihim, hayag kitang paparusahan at makikita ito ng buong Israel.’”
13 Sinabi ni David kay Natan, “Nagkasala ako kay Yahweh.”Sumagot si Natan, “Pinapatawad ka na ni Yahweh at hindi ka mamamatay.
14 Ngunit dahil nilapastangan mo si Yahweh, ang magiging anak mo ang mamamatay.”
15 Pagkatapos nito'y umuwi na si Natan.Tulad ng sinabi ni Yahweh, ang anak ni David sa asawa ni Urias ay nagkasakit nang malubha.
16 Nanalangin si David sa Diyos para gumaling ang bata. Nagdamit siya ng panluksa at nag-ayuno, at sa lupa nahiga nang gabing iyon.
17 Lumapit sa kanya ang matatandang pinuno sa palasyo at hinimok siyang bumangon, ngunit tumanggi siya. Ayaw rin niyang kumain.
18 Pagkalipas ng anim na araw, namatay ang bata. Hindi nila ito masabi kay David, sapagkat iniisip nilang lalo silang hindi papakinggan nito at sa halip ay gumawa ng marahas na hakbang.