2 Samuel 21:10 RTPV05

10 Sa buong panahon ng anihan hanggang dumating ang tag-ulan, si Rizpa na anak ni Aya ay hindi na umalis sa kinaroroonan ng mga bangkay. Gumawa siya ng isang silungang sako sa ibabaw ng isang malaking bato at binantayan ang mga bangkay upang hindi makain ng mga ibon at maiilap na hayop.

Basahin ang kumpletong kabanata 2 Samuel 21

Tingnan 2 Samuel 21:10 sa konteksto