25 Kaya't ginantimpalaan ako ni Yahweh pagkat ako'y nasa katuwiran;pinagpapala niya ako dahil ako'y walang kasalanan.
26 “Sa mga taong tapat, ikaw rin ay tapat,sa mga matuwid, matuwid kang ganap.
27 Sa pusong malinis, bukás ka at tapat,ngunit sa mga baluktot, hatol mo'y marahas.
28 Mga nagpapakumbabá'y iyong inililigtas,ngunit ang palalo'y iyong ibinabagsak.
29 Ikaw po, O Yahweh, ang aking tanglaw,pinawi mong lubos ang aking kadiliman.
30 Sa tulong mo'y nalulupig ko ang mga kaaway,sa pamamagitan mo, Diyos, anumang pader ay nahahakbang.
31 Mga paraan ng Diyos ay walang kapintasan;pangako ni Yahweh ay sadyang maaasahan.Sa nagpapakupkop, siya ay kalasag.