1 Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh.
2 Ang sabi niya,“Huwag ninyong tutularan ang ginagawa ng ibang mga bansa;o mabahala sa nakikitang mga tanda sa kalangitan,na labis nilang kinatatakutan.
3 Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan.Isang punongkahoy na pinutol sa gubat,inanyuan ng mga dalubhasang kamay,
4 at pinalamutian ng ginto at pilak.Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal.