1 Ito ang pahayag na tinanggap ni Jeremias kay Yahweh tungkol sa mga Filisteo bago sinalakay ni Faraon ang Gaza:
2 “Tumataas ang tubig sa hilaga,at babaha, ito'y aapaw sa buong lupain;magpapasaklolo ang mga tao,maghihiyawan sa matinding takot.
3 Maririnig ang ingay ng yabag ng mga kabayo,ang paghagibis ng mga karwahe!Hindi na maaalala ng mga magulang ang kanilang mga anak;manghihina ang kanilang mga kamay,
4 sapagkat dumating na ang araw ng pagkawasak ng mga Filisteo.Ang pinakahuling magtatanggol sa Tiro at Sidon ay babagsak;sapagkat lilipulin ni Yahweh ang mga Filisteo,ang nalabi sa baybayin ng Caftor.
5 Parang kinalbo ang Gaza;pinatahimik ang Ashkelon.Hanggang kailan magluluksa ang mga Filisteo?
6 Kailan pa magpapahinga ang tabak ni Yahweh?Lumigpit ka na sa kaluban, at doon manahimik!
7 Paano naman itong mapapahinga?Hindi pa tapos ang gawaing itinakda sa kanya ni Yahwehlaban sa Ashkelon at sa kapatagang malapit sa dagat;doon nakatakda ang gawain nito.”