1 Ito ang sinabi ni Yahweh kay Propeta Jeremias tungkol sa mga bansa.
2 Tungkol sa Egipto, sa hukbo ni Faraon Neco na nilupig ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia, samantalang sila'y nakahimpil sa may Ilog Eufrates sa Carquemis noong ika-4 na taon ng paghahari sa Juda ni Jehoiakim, anak ni Josias:
3 “Ihanda ninyo ang inyong mga kalasag,at sumugod sa digmaan!
4 Lagyan ninyo ng sapin ang mga kabayo, at sakyan ng mga mangangabayo.Humanay kayo at isuot ang inyong helmet,ihasa ang inyong mga sibat,at magbihis ng mga gamit pandigma!
5 Ngunit ano itong aking nakikita?Sila'y takot na takot na nagbabalik.Nalupig ang kanilang mga kawal,at mabilis na tumakas;hindi sila lumilingon, sapagkat may panganib sa magkabi-kabila!
6 Ngunit hindi makakatakas kahit ang maliliksi,at hindi makalalayo ang mga kawal.Sila'y nabuwal at namataysa may Ilog Eufrates sa gawing hilaga.
7 Sino itong bumabangon katulad ng Nilo,gaya ng mga ilog na ang tubig ay malakas na umaalon?
8 Ang Egipto ang bumabangong tulad ng Nilo,gaya ng ilog na umaalon.Sabi niya, ‘Ako'y babangon, aapawan ko ang lupa,wawasakin ang mga lunsod, at lilipulin ang mga naninirahan doon.
9 Lumusob kayo, mga mangangabayo!Sumugod kayong nasa mga karwahe!Sumalakay kayo, mga mandirigma,mga lalaking taga-Etiopia at Libya na bihasang humawak ng kalasag;kayo ring taga-Lud na sanay sa pagpana.’”
10 Ang araw na iyon ay araw ni Yahweh,ang Makapangyarihang Panginoon,araw ng paghihiganti niya sa mga kaaway.Ang tabak ay parang gutom na kakain at hindi hihinto hanggang hindi busog,iinumin nito ang kanilang dugo.At ihahandog ni Yahweh ang mga bangkay nilasa lupain sa hilaga, sa may Ilog Eufrates.
11 Umakyat ka sa Gilead, kumuha ka roon ng panlunas.Walang bisa ang maraming gamot na ginamit mo;hindi ka na gagaling.
12 Nabalitaan ng mga bansa ang kahihiyan mo,at umaalingawngaw sa sanlibutan ang iyong sigaw.Natisod ang kawal sa kapwa kawal;sila'y magkasabay na nabuwal.
13 Ito ang sinabi ni Yahweh kay Propeta Jeremias tungkol sa pagdating ni Haring Nebucadnezar upang salakayin ang Egipto.
14 “Ipahayag ninyo sa Egipto,sa Migdol, sa Memfis, at sa Tafnes:‘Tumayo kayo at humanda,sapagkat ang tabak ang lilipol sa inyong lahat.’
15 Bakit tumakas ang itinuturing na malakas na diyus-diyosang si Apis?Bakit hindi siya makatayo?Sapagkat siya'y ibinagsak ni Yahweh.
16 Nalugmok ang maraming kawal;ang wika nila sa isa't isa,‘Umurong na tayo sa ating bayanupang tayo'y makaiwas sa tabak ng kaaway.’
17 “Ang Faraon ng Egipto ay tawagin ninyong‘Ang maingay na ugong na nagsasayang ng panahon.’
18 Sinasabi ng Hari na ang pangala'y Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat.Ako ang buháy na Diyos!Gaya ng Tabor sa gitna ng mga bundok,at ng Carmelo sa may tabing-dagat,gayon ang lakas ng isang sasalakay sa inyo.
19 Mga taga-Egipto, ihanda ninyo ang inyong sarili sa pagkabihag!Mawawasak at guguho ang Memfis,at wala isa mang maninirahan doon.
20 Ang Egipto'y gaya ng isang magandang bakang dumalaga,ngunit dumating sa kanya ang isang salot buhat sa hilaga.
21 Pati ang kanyang mga upahang kawalay parang mga guyang walang kayang magtanggol.Nagbalik sila at magkakasamang tumakas,sapagkat sila'y hindi nakatagal.Dumating na ang araw ng kanilang kapahamakan;oras na ng kanilang kaparusahan.
22 Siya'y dahan-dahang tumakas, gaya ng ahas na gumagapang na papalayo.Sapagkat dumating ang makapangyarihang kaaway,may dalang mga palakol,tulad ng mamumutol ng mga punongkahoy.
23 Puputulin nito ang mga punongkahoy sa kanyang kagubatan, sabi ni Yahweh,bagama't ito'y mahirap pasukin;mas marami sila kaysa mga balang,at halos hindi mabilang.
24 Mapapahiya ang mga taga-Egipto;ibibigay sila sa mga taga-hilaga.”
25 Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, “Paparusahan ko si Ammon na taga-Tebes, ang Faraon, ang Egipto at ang kanyang mga diyos at mga hari, at ang mga nagtitiwala kay Faraon.
26 Sila'y ibibigay ko kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia at sa mga pinuno nito. Pagkatapos, pananahanan ang Egipto gaya noong unang panahon.
27 “Ngunit huwag kang matakot, lingkod kong Jacob;at huwag kang manlupaypay, Israel.Ililigtas ko kayo, kahit saan kayo naroon;kahit nasa lupain ng pagkabihag ang inyong mga anak.Manunumbalik ang payapang pamumuhay ni Jacob,at siya'y sasagana at wala nang katatakutan.
28 Inuulit ko, Jacob na aking lingkod, huwag kang matakot,sapagkat ako'y sumasaiyo,” sabi ni Yahweh.“Ganap na magwawakas ang lahat ng bansang pinagtapunan ko sa iyo,subalit ikaw ay hindi ko wawasakin.Paparusahan kita sapagkat iyon ang nararapat;hindi maaaring hindi kita parusahan.”