1 Mga anak ni Israel, pakinggan ninyo ang ipinapasabi ni Yahweh.
2 Ang sabi niya,“Huwag ninyong tutularan ang ginagawa ng ibang mga bansa;o mabahala sa nakikitang mga tanda sa kalangitan,na labis nilang kinatatakutan.
3 Ang dinidiyos nila'y hindi maaasahan.Isang punongkahoy na pinutol sa gubat,inanyuan ng mga dalubhasang kamay,
4 at pinalamutian ng ginto at pilak.Idinikit at pinakuan upang hindi mabuwal.
5 Ang mga diyus-diyosang ito'y tulad sa panakot ng ibon sa gitna ng bukid,hindi nakakapagsalita;pinapasan pa silasapagkat hindi nakakalakad.Huwag kayong matakot sa kanilasapagkat hindi sila makakagawa ng masama,at wala ring magagawang mabuti.”
6 Wala nang ibang tulad mo, O Yahweh;ikaw ay makapangyarihan,walang kasindakila ang iyong pangalan.
7 Sino ang hindi matatakot sa iyo, ikaw na Hari ng lahat ng bansa?Karapat-dapat lamang na ikaw ay katakutan.Kahit na piliin ang lahat ng matatalinomula sa lahat ng bansa at mga kaharian,wala pa ring makakatulad sa iyo.