13 Pagkarinig sa kanyang utos, umugong ang mga tubig sa kalangitan;napagsama-sama niya ang mga ulap mula sa lahat ng hangganan ng lupa.Nagagawa niyang pakislapin ang kidlat sa gitna ng ulan,at nagpapaihip sa hangin mula sa kublihan nito.
14 Sa harapan niya ang bawat tao'y mistulang mangmang;malalagay sa kahihiyan bawat pandaysapagkat ang ginawa nilang mga diyus-diyosan ay hindi totoo at walang buhay.
15 Sila'y walang silbi sapagkat likha lamang ng pandaraya;wawasakin silang lahat ni Yahweh.
16 Ngunit hindi ganito ang Diyos ni Jacob;siya ang maylikha ng lahat ng bagay;at pinili niya ang Israel upang maging kanyang bayan.Yahweh ang kanyang pangalan, ang Diyos na Makapangyarihansa lahat.
17 “Mga taga-Jerusalem na napapaligiran ng kaaway, ipunin ninyo ang inyong mga ari-arian.
18 Palalayasin na kayo ni Yahweh at ipapatapon sa ibang lupain. Pahihirapan kayong lahat hanggang sa walang matira.” Ito ang sabi ni Yahweh.
19 At dumaing naman ang mga taga-Jerusalem,“Napakatindi ng parusa sa amin!Hindi gumagaling ang aming mga sugat.Akala namin, ito'y aming matitiis.