17 “Mga taga-Jerusalem na napapaligiran ng kaaway, ipunin ninyo ang inyong mga ari-arian.
18 Palalayasin na kayo ni Yahweh at ipapatapon sa ibang lupain. Pahihirapan kayong lahat hanggang sa walang matira.” Ito ang sabi ni Yahweh.
19 At dumaing naman ang mga taga-Jerusalem,“Napakatindi ng parusa sa amin!Hindi gumagaling ang aming mga sugat.Akala namin, ito'y aming matitiis.
20 Ang aming mga tolda ay nawasak;napatid na lahat ang mga lubid.Ang aming mga anak ay naglayasang lahat,walang natira upang mag-ayos ng aming tolda;wala isa mang magsasabit ng mga kurtina.”
21 At sumagot si Jeremias, “Ang aming mga pinuno'y pawang mga hangal;hindi sila sumangguni kay Yahweh.Kaya hindi sila naging matagumpay,at ang mga tao'y nagsipangalat.
22 Makinig kayo! May dumating na balita!Nagkakagulo sa isang bansang nasa hilaga;ang kanilang hukbo ang pupuksa sa mga lunsod ng Juda,at ito'y magiging disyerto, tahanan ng mga asong-gubat.”
23 Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay;at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin.