21 At sumagot si Jeremias, “Ang aming mga pinuno'y pawang mga hangal;hindi sila sumangguni kay Yahweh.Kaya hindi sila naging matagumpay,at ang mga tao'y nagsipangalat.
22 Makinig kayo! May dumating na balita!Nagkakagulo sa isang bansang nasa hilaga;ang kanilang hukbo ang pupuksa sa mga lunsod ng Juda,at ito'y magiging disyerto, tahanan ng mga asong-gubat.”
23 Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay;at walang nakakatiyak ng kanyang sasapitin.
24 Ituwid mo ang iyong bayan, O Yahweh;ngunit huwag naman sana kayong maging marahas.Huwag kaming parusahan sa panahong kayo'y napopoot;na siyang magiging wakas naming lahat.
25 Ibaling mo ang iyong poot sa mga bansang ayaw kumilala sa iyoat sa mga taong hindi tumatawag sa iyong pangalan.Pinatay nila ang mga anak ni Jacob;at winasak ang kanilang lupain.