1 Sinabi sa akin ni Yahweh
2 na pumunta ako sa Jerusalem at ipahayag ito sa lahat ng naroroon:“Natatandaan ko ang iyong katapatan noong bata ka pa,ang iyong pagmamahal nang tayo'y ikasal;sinundan mo ako sa gitna ng disyerto,sa gitna ng lupaing walang tanim na anuman.
3 Ikaw Israel ay para kay Yahweh,ang pinakamainam na bahagi ng kanyang ani;pahihirapan ang sinumang mananakit sa iyo;darating sa kanila ang mga kaguluhan.Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.”
4 Pakinggan ninyo ang pahayag ni Yahweh, mga anak ni Jacob, sambahayan ni Israel.
5 Sinasabi ni Yahweh:“Ano ba ang nagawa kong kamalianat ako'y tinalikdan ng inyong mga magulang?Sumamba sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosankaya sila'y naging walang kabuluhan din.
6 Hindi nila ako naalalakahit ako ang nagpalaya sa kanila mula sa Egipto;pinatnubayan ko sila sa malawak na disyerto,sa mga lupaing baku-bako't maburol,sa isang tuyo at mapanganib na lugar,na walang naninirahan at nagnanais dumaan.