11 Mayroon bang bansa na nagpalit ng kanyang mga diyos,kahit na ang mga ito ay hindi naman talagang diyos?Ngunit ipinagpalit ako ng bayang aking pinarangalan,at sila'y sumamba sa mga diyus-diyosang wala namang kabutihang magagawa para sa kanila.
12 Kaya manginig kayo sa takot, O kalangitan,manggilalas kayo at manghilakbot;akong si Yahweh ang nagsasalita.
13 Dalawa ang kasalanan ng aking bayan:Tinalikuran nila ako,ako na bukal na nagbibigay-buhay,at humukay sila ng mga balon,ngunit mga balong butas na walang naiipong tubig.
14 “Hindi alipin ang Israel nang siya'y isilang.Ngunit bakit siya pinaghahanap ng kanyang mga kaaway?
15 Sila'y parang mga leong umaatungalhabang winawasak ang lupain;giniba ang kanyang mga lunsod kaya't wala nang naninirahan doon.
16 Binasag ng mga taga-Memfis at taga-Tafnes ang kanyang bungo.
17 Ikaw na rin, Israel, ang dapat sisihin sa nangyari sa iyo!Tinalikdan mo ako na iyong Diyos,akong si Yahweh na umakay sa iyong mga paglalakbay.