Jeremias 2:19-25 RTPV05

19 Paparusahan ka ng sarili mong kasamaan.Ipapahamak ka ng iyong pagtalikod sa akin.Mararanasan mo kung gaano kapait at kahirapang mawalan ng takot at tumalikod kay Yahweh na iyong Diyos.Ako, ang Panginoong Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat,ang nagsasabi nito.

20 “Matagal mo nang itinakwil ang kapangyarihan ko, Israel,at ako'y ayaw mong sundinsapagkat ang sabi mo, ‘Hindi ako maglilingkod.’Ngunit sa ibabaw ng bawat mataas na burol,at sa lilim ng bawat mayabong na punongkahoy,ikaw ay sumamba sa mga diyus-diyosan, gaya ng babaing nagbebenta ng sarili.

21 Maganda ka noon nang aking itanim,mula sa pinakamalusog na binhi ng ubas.Tingnan mo ngayon ang naging buhay mo!Para kang ubas na ligaw, nabubulok ang bunga at walang pakinabang!

22 Kahit maghugas ka pa, at gumamit ng pinakamatapang na sabon,mananatili pa rin ang mantsa ng iyong kasalanan;hindi mo iyan maitatago sa akin,ang Panginoong Yahweh ang nagsasalita.

23 Masasabi mo bang hindi nadumihan ang iyong sarili,at hindi ka sumamba sa diyus-diyosang si Baal?Napakalaki ng kasalanang nagawa mo doon sa libis.Para kang batang kamelyo na hindi mapigilan,takbo ng takbo at nagwawala.

24 Tulad mo'y babaing asno na masidhi ang pagnanasa;walang makapigil kapag ito'y nag-iinit.Hindi na dapat mag-alala ang lalaking asno;ika'y nakahanda sa lahat ng oras.

25 Israel, huwag mong bayaan na ika'y magyapako matuyo ang lalamunan at mamalat.Ngunit ang tugon mo, ‘Ano pa ang kabuluhan?Mahal ko ang ibang mga diyos,at sila ang aking sasambahin at paglilingkuran.’