23 Masasabi mo bang hindi nadumihan ang iyong sarili,at hindi ka sumamba sa diyus-diyosang si Baal?Napakalaki ng kasalanang nagawa mo doon sa libis.Para kang batang kamelyo na hindi mapigilan,takbo ng takbo at nagwawala.
24 Tulad mo'y babaing asno na masidhi ang pagnanasa;walang makapigil kapag ito'y nag-iinit.Hindi na dapat mag-alala ang lalaking asno;ika'y nakahanda sa lahat ng oras.
25 Israel, huwag mong bayaan na ika'y magyapako matuyo ang lalamunan at mamalat.Ngunit ang tugon mo, ‘Ano pa ang kabuluhan?Mahal ko ang ibang mga diyos,at sila ang aking sasambahin at paglilingkuran.’
26 “Tulad ng magnanakaw na napapahiya kapag nahuli, kayong lahat na sambahayan ni Israel ay mapapahiyang gaya niya; ang inyong mga hari at mga pinuno, mga pari at mga propeta.
27 Mapapahiya kayong lahat na nagsasabi sa punongkahoy, ‘Ikaw ang aking ama,’ at sa bato, ‘Ikaw ang aking ina.’ Mangyayari ito sapagkat itinakwil ninyo ako, sa halip na kayo'y maglingkod sa akin. Ngunit kung kayo naman ay naghihirap, hinihiling ninyong iligtas ko kayo.
28 “Nasaan ang mga diyus-diyosang inyong ginawa? Tingnan natin kung kayo'y maililigtas nila sa oras ng inyong pangangailangan. Juda, sindami ng iyong lunsod ang iyong mga diyos.
29 Akong si Yahweh ay nagtatanong, ano ang isusumbat ninyo sa akin? Lahat kayo'y mga suwail. Wala na kayong ginawa kundi kalabanin ako!