4 Pakinggan ninyo ang pahayag ni Yahweh, mga anak ni Jacob, sambahayan ni Israel.
5 Sinasabi ni Yahweh:“Ano ba ang nagawa kong kamalianat ako'y tinalikdan ng inyong mga magulang?Sumamba sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosankaya sila'y naging walang kabuluhan din.
6 Hindi nila ako naalalakahit ako ang nagpalaya sa kanila mula sa Egipto;pinatnubayan ko sila sa malawak na disyerto,sa mga lupaing baku-bako't maburol,sa isang tuyo at mapanganib na lugar,na walang naninirahan at nagnanais dumaan.
7 Dinala ko sila sa isang mayamang lupain,upang tamasahin nila ang kasaganaan niyon.Ngunit dinungisan nila ang ibinigay kong lupaindahil sa karumal-dumal nilang mga gawain.
8 Hindi man lamang nagtatanong ang mga pari, ‘Nasaan si Yahweh?’Hindi ako nakikilala ng mga dalubhasa sa Kautusan,hindi sumusunod sa akin ang mga pinuno;nangangaral ang mga propeta sa pangalan ni Baal,sumasamba at naglilingkod sa mga diyus-diyosan.
9 “Kaya't muli kong susumbatan ang aking bayanat uusigin ko hanggang kaapu-apuhan.
10 Tumawid kang pakanluran hanggang Cyprus,at magpadala ka patungong pasilangan hanggang Kedar.Makikita mo kung may nangyaring tulad nito kailanman.