Jeremias 20:5-11 RTPV05

5 Pababayaan ko ring makuha ng mga kaaway ang lahat ng kayamanan sa lunsod na ito, at kamkamin ang lahat ninyong ari-arian, pati ang mga kayamanan ng mga hari ng Juda. Dadalhin nila sa Babilonia ang lahat ng maaaring pakinabangan.

6 Ikaw naman, Pashur, at ang iyong buong sambahayan ay mabibihag at dadalhin sa Babilonia. Doon na kayo mamamatay at malilibing, kasama ng inyong mga kaibigan na pinagsabihan mo ng mga kasinungalingan.’”

7 Yahweh, ako'y iyong hinikayat,at naniwala naman ako.Higit kang malakas kaysa akinkaya ikaw ay nagwagi.Pinagkatuwaan ako ng lahat;at maghapon nila akong pinagtatawanan.

8 Tuwing ako'y magsasalita at sisigaw ng “Karahasan! Pagkawasak!”Pinagtatawanan nila ako't hinahamak,sapagkat ipinapahayag ko ang iyong salita.

9 Ngunit kung sabihin kong, “Kalilimutan ko na si Yahwehat hindi na ako magsasalita para sa kanyang pangalan,”para namang apoy na naglalagablab sa aking kalooban ang iyong mga salita,apoy na nakakulong sa aking mga buto.Sinikap kong tiisin ito,ngunit hindi ko na kayang pigilin pa.

10 Naririnig kong maraming nagbubulungan.Tinagurian nila akong “Takot sa Lahat ng Dako.”Sinasabi nila, “Isumbong natin! Isumbong natin sa may kapangyarihan!”Pati matatalik kong kaibiga'y naghahangad ng aking kapahamakan.Sabi pa nila, “Marahil ay malilinlang natin siya;pagkatapos, hulihin natin at paghigantihan.”

11 Subalit ikaw, Yahweh, ay nasa panig ko,tulad sa malakas at makapangyarihang mandirigma;mabibigo ang lahat ng umuusig sa akin,mapapahiya sila at hindi magtatagumpay kailanman.Hindi na makakalimutan ang kanilang kahihiyan habang panahon.