16 Gayunman, lahat ng umapi sa iyo ay aapihin;lahat ng iyong kaaway ay bibihagin din.Nanakawan ang nagnakaw ng kayamanan mo.Ang bumiktima sa iyo ay bibiktimahin din.
17 Ibabalik ko ang kalusugan mo,at pagagalingin ang iyong mga sugat.Kayo'y tinawag nilang mga itinakwil,ang Zion na walang nagmamalasakit.”
18 Sinabi pa ni Yahweh:“Muli kong ibabalik ang kasaganaan sa lipi ni Jacob.Kahahabagan ko ang buong sambahayan niya.Ang lunsod na winasak ay muling itatayo,at muling itatayo ang bawat gusali.
19 Ang mga tao roon ay aawit ng pasasalamatat magkakaingay sa kagalakan.Sila'y aking pararamihin;pararangalan ko sila at wala nang hahamak sa kanila.
20 Ibabalik ko ang kanilang dating kapangyarihan,at sila'y magiging matatag sa aking harapan.Paparusahan ko ang lahat ng mang-aapi sa kanila.
21 Lilitaw ang isang pinuno na mula rin sa kanila.Aanyayahan ko siya kaya siya nama'y lalapit sa akin,sapagkat walang mangangahas na lumapit sa akin kung hindi inanyayahan.
22 Sila'y magiging bayan ko,at ako ang kanilang magiging Diyos.”Ito ang sabi ni Yahweh.