21 Lilitaw ang isang pinuno na mula rin sa kanila.Aanyayahan ko siya kaya siya nama'y lalapit sa akin,sapagkat walang mangangahas na lumapit sa akin kung hindi inanyayahan.
22 Sila'y magiging bayan ko,at ako ang kanilang magiging Diyos.”Ito ang sabi ni Yahweh.
23 Ang poot ni Yahweh ay parang bagyo, parang nag-aalimpuyong hangin na hahampas sa ulo ng masasama.
24 Hindi magbabago ang matinding poot ni Yahweh hangga't hindi niya naisasagawa ang kanyang balak. Mauunawaan ninyo ito sa mga araw na darating.