6 Isipin mong mabuti:Maaari bang manganak ang isang lalaki?Bakit hawak-hawak ng bawat lalaki ang kanyang tiyan,tulad ng isang babaing manganganak?Bakit namumutla ang kanilang mga mukha?
7 Nakakatakot ang araw na iyon.Wala itong katulad;ito'y panahon ng paghihirap para kay Jacob,ngunit siya'y makakaligtas.
8 “Sa araw na iyon, sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, babaliin ko ang pamatok sa kanilang mga leeg at kakalagin ko ang kanilang tali; hindi na sila aalipinin ng mga dayuhan.
9 Sa halip, sila'y maglilingkod kay Yahweh na kanilang Diyos, at kay David na kanilang magiging hari.
10 “Ngunit huwag kang matakot, lingkod kong Jacob;at huwag kang manlupaypay, Israel.Ililigtas ko kayo, kahit saan kayo naroon;kahit nasa lupain ng pagkabihag ang inyong mga anak.Manunumbalik ang payapang pamumuhay ni Jacob,at siya'y sasagana at wala nang katatakutan.
11 Ako'y sasainyo at ililigtas ko kayo.Lilipulin ko ang lahat ng bansang pinagkalatan ko sa inyo;subalit kayo'y hindi malilipol.Paparusahan ko kayo nang marapat,ngunit ako'y magiging makatarungan sa inyo.”
12 Ito ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan:“Wala nang lunas ang iyong sakit,malalâ na ang iyong sugat.