13 Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga,makikigalak pati mga binata't matatanda;ang kanilang dalamhati ay magiging tuwa,aaliwin ko sila at papalitan ng kagalakan ang kanilang kalungkutan.
14 Bubusugin ko ng pinakamainam na pagkain ang mga pari,at masisiyahan ang buong bayan sa kasaganaang aking ibibigay.”Ito ang sabi ni Yahweh.
15 Sinabi ni Yahweh:“Narinig sa Rama ang isang tinig—panaghoy at mapait na pagtangistinatangisan ni Raquel ang kanyang mga anak.Ayaw niyang paaliw sapagkat patay na sila.”
16 Sinasabi ni Yahweh:“Itigil na ninyo ang inyong pag-iyak,huwag na kayong lumuha;sapagkat gagantimpalaan ang inyong mga ginawa,babalik sila mula sa lupain ng kaaway.
17 May pag-asa sa hinaharap, sabi ni Yahweh,magbabalik sa sariling bayan ang inyong mga anak.
18 “Narinig kong nananaghoy ang mga taga-Efraim:‘Pinarusahan ninyo kamina parang mga guyang hindi pa natuturuan.Ibalik ninyo kami nang kami'y gumaling,sapagkat kayo si Yahweh na aming Diyos.
19 Tumalikod kami sa inyo ngunit ngayo'y nagsisisi na;natuto kami matapos ninyong parusahan.Napahiya kami't nalungkot dahil nagkasala kamisa panahon ng aming kabataan.’