2 Ang sabi pa ni Yahweh, “Ang mga taong nakaligtas sa digmaan ay nakatagpo naman ng awa sa ilang. Nang ang Israel ay naghahanap ng kapahingahan,
3 napakita ako sa kanila mula sa malayo; sa simula pa'y inibig ko na sila kaya patuloy akong magiging tapat sa kanila.
4 Muli kitang itatayo, marilag na Israel. Hahawakan mong muli ang iyong mga tamburin, at makikisayaw sa mga nagkakasayahan.
5 Muli kang magtatanim ng ubas sa mga burol ng Samaria; magtatanim ang mga magsasaka, at masisiyahan sa ibubunga niyon.
6 Sapagkat darating ang araw na hihiyaw ang mga bantay mula sa kaburulan ng Efraim, ‘Halikayo, umakyat tayo sa Zion, kay Yahweh na ating Diyos.’”
7 Ang sabi ni Yahweh:“Umawit kayo sa kagalakan alang-alang kay Jacob,ipagbunyi ninyo ang pinakadakilang bansa;magpuri kayo at inyong ipahayagna iniligtas ni Yahweh ang kanyang bayan,ang mga nalabi sa Israel.
8 Narito, sila'y ibabalik ko mula sa hilaga;titipunin ko sila mula sa mga sulok ng sanlibutan,kasama ang mga bulag at mga pilay,ang mga inang may anak na pasusuhin, pati ang malapit nang manganak;sila'y babalik na talagang napakarami!