22 At sinabi ni Yahweh, “Napakahangal ng aking bayan;hindi nila ako nakikilala.Tulad nila'y mga batang wala pang pang-unawa.Sanay sila sa paggawa ng masamangunit bigo sa paggawa ng mabuti.”
23 Pagkatapos ay tiningnan ko ang daigdig; wala itong hugis o anumang kaanyuan,at sa langit ay walang anumang tanglaw.
24 Tumingin ako sa mga bundok at mga burol;ang mga ito'y nayayanig dahil sa lindol.
25 Wala akong makitang tao, wala kahit isa;pati mga ibon ay nagliparan na.
26 Ang masaganang lupain ay naging disyerto;wasak ang mga lunsod nitodahil sa matinding poot ng Diyos.
27 Sinabi ni Yahweh, “Masasalanta ang buong lupain ngunit hindi ko lubusang wawasakin.”
28 Magluluksa ang sanlibutan,magdidilim ang kalangitan.Sinabi ni Yahweh ang ganitoat ang isip niya'y di magbabago.Nakapagpasya na siyaat hindi na magbabago pa.