3 Ganito naman ang sabi ni Yahweh sa mga taga-Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem: “Bungkalin ninyong muli ang napabayaang lupa; huwag ninyong ihasik ang binhi sa gitna ng dawagan.
4 Tuparin ninyo ang inyong pangako sa akin, at italaga ang inyong buhay sa paglilingkod. Kung hindi, sisiklab ang aking poot dahil sa inyong mga nagawang kasamaan.”
5 Hipan ang trumpeta sa buong lupain!Isigaw nang malinaw at malakas:“Mga taga-Juda at taga-Jerusalem,magsipasok kayo sa inyong mga kublihang lunsod.
6 Ituro ang daang patungo sa Zion!Magtago na kayo at huwag magpaliban!Mula sa hilaga'y magpapadala si Yahwehng lagim at pagkawasak.
7 Parang leong lumitaw ang magwawasak ng mga bansa.Lumakad na siya upang wasakin ang Juda.Ang mga lunsod nito'y duduruging lahatat wala nang maninirahan doon.
8 Magsuot kayo ng damit na panluksa, lumuha kayo at manangis,sapagkat ang poot ni Yahweh sa Juda'y hindi makakalimutan.”
9 Ang sabi ni Yahweh, “Sa araw na iyon, masisiraan ng loob at matatakot ang mga hari at mga pinuno, ang mga pari ay masisindak, at magugulat ang mga propeta.”