2 Tungkol sa Egipto, sa hukbo ni Faraon Neco na nilupig ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia, samantalang sila'y nakahimpil sa may Ilog Eufrates sa Carquemis noong ika-4 na taon ng paghahari sa Juda ni Jehoiakim, anak ni Josias:
3 “Ihanda ninyo ang inyong mga kalasag,at sumugod sa digmaan!
4 Lagyan ninyo ng sapin ang mga kabayo, at sakyan ng mga mangangabayo.Humanay kayo at isuot ang inyong helmet,ihasa ang inyong mga sibat,at magbihis ng mga gamit pandigma!
5 Ngunit ano itong aking nakikita?Sila'y takot na takot na nagbabalik.Nalupig ang kanilang mga kawal,at mabilis na tumakas;hindi sila lumilingon, sapagkat may panganib sa magkabi-kabila!
6 Ngunit hindi makakatakas kahit ang maliliksi,at hindi makalalayo ang mga kawal.Sila'y nabuwal at namataysa may Ilog Eufrates sa gawing hilaga.
7 Sino itong bumabangon katulad ng Nilo,gaya ng mga ilog na ang tubig ay malakas na umaalon?
8 Ang Egipto ang bumabangong tulad ng Nilo,gaya ng ilog na umaalon.Sabi niya, ‘Ako'y babangon, aapawan ko ang lupa,wawasakin ang mga lunsod, at lilipulin ang mga naninirahan doon.