14 “Kayong mga lalaki sa Moab, paano ninyo masasabing kayo'y mga bayani,at mga matatapang na mandirigma?
15 Dumating na ang wawasak sa Moab at sa kanyang mga lunsod,at ang magigiting niyang kabataan ay masasawi.”Ito ang pahayag ng Hari na ang pangalan ay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:
16 “Nalalapit na ang pagbagsak ng Moab,mabilis na dumarating ang kanyang pagkawasak.
17 Magdalamhati kayo dahil sa kanya, mga karatig-bayan,at kayong lahat na nakakakilala sa kanya;sabihin ninyo, ‘Nabali ang matibay na setro,ang setro ng karangalan at kapangyarihan.’
18 Kayong mga taga-Dibon, bumabâ kayo mula sa inyong kataasanat maupo kayo sa tigang na lupa,sapagkat dumating na ang wawasak sa Moabat iniwang wasak ang inyong mga tanggulan.
19 Kayong naninirahan sa Aroer,tumayo kayo sa tabing-daan at magmasid,tanungin ninyo ang mga lalaking tumatakbo, ang babaing tumatakas,‘Ano ang nangyari?’
20 Ang Moab ay napahiya at nanlupaypay;humiyaw kayo at tumangis,ipahayag ninyo hanggang sa Ilog Arnon na winasak na ang Moab!