3 Dinggin ninyo ang pagtangis sa Horonaim;dahil sa karahasan at pagkawasak.
4 “Wasak na ang Moab.Iyakan ng mga bata ang siyang maririnig.
5 Sa pag-akyat sa Luhit,mapait na tumatangis ang mga mamamayan;pagbaba sa Horonaim,naririnig ang paghiyaw ng ‘Kapahamakan!’
6 Tumakas kayo, iligtas ninyo ang inyong buhay,gaya ng mailap na asno sa disyerto.
7 “Mga taga-Moab, dahil nagtiwala kayo sa inyong lakas at kayamanan,kayo'y malulupig din;at dadalhing-bihag ang diyus-diyosan ninyong si Quemos,pati ang kanyang mga pari at mga lingkod.
8 Papasukin ng tagawasak ang bawat lunsod;at walang makakatakas.Mawawasak ang kapatagan at ang libis ay guguho.
9 Lagyan ninyo ng puntod ang Moab,sapagkat tiyak ang kanyang pagbagsak;mawawasak ang kanyang mga lunsod,at wala nang maninirahan doon.”