Jeremias 5:1-7 RTPV05

1 Mga taga-Jerusalem, magmasid-masid kayo.Ang mga lansangan ay inyong libutin at ang buong paligid ay halughugin.Maghanap kayo sa mga pamilihan.May makikita ba kayong isang taong matuwid at tapat kay Yahweh?Kung mayroon kayong matatagpuan, patawad ni Yahweh sa Jerusalem igagawad.

2 Nanunumpa nga kayo sa pangalan ni Yahweh,ngunit hindi taos sa inyong puso ang inyong sinasabi.

3 Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan.Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit;pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago.Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.

4 At aking naisip, “Ang mga taong ito'y mga mahihirap at walang alam;hindi nila alam ang hinihiling ni Yahweh,ang utos ng kanilang Diyos.

5 Pupuntahan ko ang mga maykapangyarihan,at sila ay aking papakiusapan.Natitiyak kong alam nila ang kalooban ni Yahweh;batid nila ang ipinag-uutos ng Diyos.Ngunit pati silang lahat ay naging suwailat tumangging sumunod sa kanyang mga utos.”

6 Dahil dito, sila'y papatayin ng mga leon mula sa gubat.Sisilain sila ng mga asong-gubat mula sa ilang.Maglilibot sa kanilang mga lunsod ang mga leopardo upang lurayin ang sinumang makita.Sapagkat napakarami na ng kanilang pagkakasalaat maraming ulit na nilang tinalikuran ang Diyos.

7 Ang tanong nga ni Yahweh: “Bakit ko kayo patatawarin?Nagtaksil sa akin ang iyong mga anakat sumamba sa mga diyus-diyosan.Pinakain ko kayo hanggang sa mabusog,ngunit nangalunya pa rin kayo,at ginugol ang panahon sa babaing bayaran.