3 Ang hanap ni Yahweh ay katotohanan.Pinarusahan niya kayo, ngunit hindi ninyo pinansin ang sakit;pinahirapan niya kayo ngunit hindi pa rin kayo nagbago.Ayaw ninyong talikuran ang inyong mga kasalanan; dahil sa katigasan ng inyong ulo.
4 At aking naisip, “Ang mga taong ito'y mga mahihirap at walang alam;hindi nila alam ang hinihiling ni Yahweh,ang utos ng kanilang Diyos.
5 Pupuntahan ko ang mga maykapangyarihan,at sila ay aking papakiusapan.Natitiyak kong alam nila ang kalooban ni Yahweh;batid nila ang ipinag-uutos ng Diyos.Ngunit pati silang lahat ay naging suwailat tumangging sumunod sa kanyang mga utos.”
6 Dahil dito, sila'y papatayin ng mga leon mula sa gubat.Sisilain sila ng mga asong-gubat mula sa ilang.Maglilibot sa kanilang mga lunsod ang mga leopardo upang lurayin ang sinumang makita.Sapagkat napakarami na ng kanilang pagkakasalaat maraming ulit na nilang tinalikuran ang Diyos.
7 Ang tanong nga ni Yahweh: “Bakit ko kayo patatawarin?Nagtaksil sa akin ang iyong mga anakat sumamba sa mga diyus-diyosan.Pinakain ko kayo hanggang sa mabusog,ngunit nangalunya pa rin kayo,at ginugol ang panahon sa babaing bayaran.
8 Tulad nila'y mga lalaking kabayo,nagpupumiglas dahil sa matinding pagnanasa sa asawa ng iba.
9 Hindi ba marapat na sila ay parusahan ko?At pagbayarin ang bansang tulad nito?