5 Pupuntahan ko ang mga maykapangyarihan,at sila ay aking papakiusapan.Natitiyak kong alam nila ang kalooban ni Yahweh;batid nila ang ipinag-uutos ng Diyos.Ngunit pati silang lahat ay naging suwailat tumangging sumunod sa kanyang mga utos.”
6 Dahil dito, sila'y papatayin ng mga leon mula sa gubat.Sisilain sila ng mga asong-gubat mula sa ilang.Maglilibot sa kanilang mga lunsod ang mga leopardo upang lurayin ang sinumang makita.Sapagkat napakarami na ng kanilang pagkakasalaat maraming ulit na nilang tinalikuran ang Diyos.
7 Ang tanong nga ni Yahweh: “Bakit ko kayo patatawarin?Nagtaksil sa akin ang iyong mga anakat sumamba sa mga diyus-diyosan.Pinakain ko kayo hanggang sa mabusog,ngunit nangalunya pa rin kayo,at ginugol ang panahon sa babaing bayaran.
8 Tulad nila'y mga lalaking kabayo,nagpupumiglas dahil sa matinding pagnanasa sa asawa ng iba.
9 Hindi ba marapat na sila ay parusahan ko?At pagbayarin ang bansang tulad nito?
10 Sasabihan ko ang kanilang mga kaaway na sirain ang kanilang ubasan,subalit huwag naman nilang wawasakin ito nang lubusan.Sasabihin kong putulin ang mga sanga,sapagkat ang mga ito'y hindi naman para sa akin.
11 Kayong mga mamamayan ng Israel at ng Juda,pareho kayong nagtaksil sa akin.Akong si Yahweh ang nagsasalita.”