14 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay sumumpa; ang sabi niya: “Ang Babilonia ay ipasasalakay ko sa makapal na tao tulad ng mga umaatakeng balang; at isisigaw nila ang tagumpay laban sa iyo.”
15 Ang Diyos ang lumikha ng sanlibutan sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.Inayos niya ang daigdig ayon sa kanyang karunungan;iniladlad niya ang mga langit ayon sa kanyang kaunawaan.
16 Sa dagundong ng kanyang tinig, umuugong ang tubig sa kalangitan;pinaiilanlang niya ang mga hamog mula sa mga sulok ng sanlibutan.Pinakikislap niya ang mga kidlat sa gitna ng ulan,at pinalalabas niya sa taguan ang mga hangin.
17 Sa ganitong kalagayan ay magiging mangmang at walang kaalaman ang lahat ng tao.Bawat panday ay inilalagay sa kahihiyan ng nililok niyang diyus-diyosan;sapagkat hindi tunay na diyos at walang buhay ang kanyang ginawa.
18 Walang kabuluhan ang mga iyon, at dapat sumpainmalilipol sila pagdating ng araw ng pagpaparusa sa kanila.
19 Ang Diyos ni Jacob ay hindi gaya ng mga ito;sapagkat siya ang lumikha ng lahat,at ang Israel ang hinirang niya;Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang pangalan niya.
20 Ikaw ang aking martilyo at sandatang pandigma;sa pamamagitan mo'y dudurugin ko ang mga bansa;sa pamamagitan mo'y ibabagsak ko ang mga kaharian.