50 “Kayong nakaligtas sa kamatayan, magpatuloy kayo at huwag kayong titigil! Alalahanin ninyo si Yahweh kung kayo'y nasa malayong lugar na, gayundin ang Jerusalem.
51 Kami'y napahiya dahil nakarinig kami ng paghamak. Nalagay kami sa kahiya-hiyang katayuan sapagkat dumating ang mga dayuhan at pumasok sa banal na dako sa bahay ni Yahweh.
52 Makikita ninyo, darating ang panahong paparusahan ko ang kanyang mga diyus-diyosan; maririnig ang daing ng mga sugatan sa buong lupain.
53 Kahit na maabot ng Babilonia ang langit, kahit tibayan niya ang kanyang kuta, darating pa rin ang wawasak sa kanya.”
54 Sinabi pa ni Yahweh,“Pakinggan ninyo ang iyakan mula sa Babilonia,ang panaghoy dahil sa kanyang pagkawasak.
55 Sapagkat ginigiba ni Yahweh ang Babilonia,at pinatatahimik ang kanyang malakas na sigaw.Ang kanyang mga alon ay parang ugong ng malakas na tubig,matining ang alingawngaw ng kanilang tinig.
56 Sumalakay na sa Babilonia ang tagawasak.Binihag ang kanyang mga mandirigma.Pinagbabali ang kanilang mga panasapagkat si Yahweh ay Diyos na gumaganti,magbabayad siya nang buo.