56 Sumalakay na sa Babilonia ang tagawasak.Binihag ang kanyang mga mandirigma.Pinagbabali ang kanilang mga panasapagkat si Yahweh ay Diyos na gumaganti,magbabayad siya nang buo.
57 Lalasingin ko ang kanyang mga pinuno at mga matatalino,ang kanyang mga tagapamahala, tagapag-utos at mandirigma.Mahihimbing sila habang panahon at hindi na magigising.”Ito ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
58 Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:“Ang malawak na pader ng Babilonia ay mawawasakat masusunog ang matataas niyang pintuang-bayan.Nagpapakahirap sa walang kabuluhan ang mga tao.Pinapagod nila ang kanilang sarili para mauwi lamang sa apoy.”
59 Ito naman ang iniutos ng Propeta Jeremias sa punong eunuko na si Seraias, ang anak ni Nerias at apo ni Maasias, nang siya'y magpunta sa Babilonia, kasama ni Haring Zedekias ng Juda, noong ikaapat na taon ng paghahari nito.
60 Itinala ni Jeremias sa isang kasulatan ang lahat ng kapahamakang darating sa Babilonia, at lahat ng bagay na nasulat tungkol dito.
61 Ang sabi ni Jeremias kay Seraias: “Basahin mong lahat ang nakasulat dito pagdating mo sa Babilonia.
62 Pagkatapos ay sabihin mo, ‘Yahweh, sinabi mong ang lupaing ito'y iyong wawasakin. Wala nang maninirahan dito, maging tao o hayop, at mananatili itong wasak habang panahon.’