11 Ang sabi ni Yahweh: “Ang Jerusalem ay wawasakin ko.Kanyang mga pader, paguguhuin ko,at wala nang maninirahan doon kundi mga asong-gubat.Magiging disyerto, mga lunsod ng Juda,wala nang taong doon ay titira.”
12 At nagtanong si Jeremias, “Yahweh, bakit po nasalanta ang lupain at natuyo tulad sa isang disyerto, kaya wala nang may gustong dumaan? Sinong matalino ang makakaunawa nito? Kanino ninyo ipinaliwanag ang nangyaring ito upang masabi naman niya sa iba?”
13 Sumagot si Yahweh, “Nangyari ito sapagkat tinalikuran ng aking bayan ang kautusang ibinigay ko sa kanila at hindi sila sumunod sa akin.
14 Sa halip, nagmatigas sila at sumamba sa diyus-diyosang si Baal, gaya ng itinuro ng kanilang mga magulang.
15 Kaya, akong si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel, ganito ang gagawin ko. Mapapait na halaman ang ipapakain ko sa kanila at tubig na may lason ang ipapainom ko sa kanila.
16 Pangangalatin ko sila sa iba't ibang bansa, mga bansang ni hindi man lamang nabalitaan ng kanilang mga magulang. At magpapadala ako ng mga hukbong sasalakay sa kanila hanggang sa lubusan silang malipol.”
17 Ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:“Isipin ninyo ang mga nangyayari!Tawagin ninyo ang mga taga-iyak,ang mga babaing sanay managhoy.”