13 Sumagot si Yahweh, “Nangyari ito sapagkat tinalikuran ng aking bayan ang kautusang ibinigay ko sa kanila at hindi sila sumunod sa akin.
14 Sa halip, nagmatigas sila at sumamba sa diyus-diyosang si Baal, gaya ng itinuro ng kanilang mga magulang.
15 Kaya, akong si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel, ganito ang gagawin ko. Mapapait na halaman ang ipapakain ko sa kanila at tubig na may lason ang ipapainom ko sa kanila.
16 Pangangalatin ko sila sa iba't ibang bansa, mga bansang ni hindi man lamang nabalitaan ng kanilang mga magulang. At magpapadala ako ng mga hukbong sasalakay sa kanila hanggang sa lubusan silang malipol.”
17 Ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:“Isipin ninyo ang mga nangyayari!Tawagin ninyo ang mga taga-iyak,ang mga babaing sanay managhoy.”
18 Sabi naman ng mga tao,“Pagmadaliin sila upang managhoy para sa atin,hanggang sa bumalong ang ating mga luhaat mamugto sa pag-iyak ang ating mga mata.”
19 Dinggin mo ang panaghoy sa Zion,“Nasalanta na tayo!Napakalaking kahihiyan nito!Lisanin na natin ang ating lupain;sapagkat wasak na, mga tahanan natin.”