2 Sana'y may mapagtaguan ako doon sa disyerto,kung saan malayo ako sa aking mga kababayan.Sila'y mapakiapidat pawang mga taksil.
3 Sila'y laging handang magsabi ng kasinungalingan;kasamaan ang namamayani sa halip na katotohanan.Ganito ang sabi ni Yahweh:“Sunod-sunod na kasamaan ang ginagawa ng aking bayan,at ako'y hindi nila nakikilala.”
4 Mag-ingat kayo kahit sa inyong mga kaibigan,kahit kapatid ay huwag pagkatiwalaan;sapagkat mandaraya lahat ng kapatid, katulad ni Jacob,at bawat isa'y naninira sa kanyang kaibigan.
5 Ang lahat ay nandaraya sa kanyang kapwa,walang nagsasabi ng katotohanan;dila nila'y sanay sa pagsisinungaling,sila'y patuloy sa pagkakasala, at hindi naiisip ang magsisi.
6 Ang kanilang kasalanan ay patung-patong na,hindi tumitigil sa pandaraya sa iba.Kahit na si Yahweh hindi kinikilala.
7 Kaya sinabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat,“Pahihirapan ko ang bansang ito upang sila'y subukin.Sapagkat ano pa ang aking magagawa sa bayan kong naging masama?
8 Parang makamandag na pana ang kanilang mga dila,lahat ng sinasabi ay pawang pandaraya.Magandang mangusap sa kanilang kapwa,ngunit ang totoo, balak nila ay masama.