9 “Huwag kayong magtatanim ng ibang binhi sa ubasan. Kung gagawin ninyo ito, magiging pag-aari na ng templo ang bungang itinanim ninyo at pati na rin ang bunga ng inyong ubasan.
10 “Huwag ninyong pagpaparisin ang baka at ang asno sa pag-aararo.
11 Huwag kayong magsusuot ng damit na ginawa sa dalawang klase ng tela.
12 “Lagyan ninyo ng palawit ang apat na gilid ng balabal na damit ninyo.
13 “Kung napangasawa ng isang lalaki ang isang babae, at pagkatapos nilang magsiping ay inayawan ng lalaki ang kanyang asawa
14 at pinagbintangan niya ito. At sinabi niya, ‘Natuklasan kong hindi na birhen ang aking asawa nang sumiping ako sa kanya.’
15 Pupunta ang magulang ng babae sa mga tagapamahala doon sa may pintuan ng bayan. Magdadala sila ng ebidensya na birhen ang anak nila.