2 “Anak ng tao, magsalita ka laban sa mga bulaang propeta ng Israel na nanghuhula mula sa sarili nilang isipan. Sabihin mo na pakinggan nila ang mensahe kong ito:
3 Ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabing nakakaawa ang mga hangal na propetang nanghuhula mula sa sarili nilang isipan, at wala silang nakikitang mga pangitain.
4 O Israel, ang mga propeta moʼy katulad ng mga asong-gubat na nasa gibang lungsod.
5 Katulad nilaʼy mga walang pakialam sa wasak na mga pader ng Israel na hindi inayos para maging matibay dumating man ang digmaan, sa araw ng pagpaparusa ng Panginoon.
6 Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang mula sa Panginoon ang sinasabi nila pero ang totooʼy hindi ko sila sinugo at hinihintay nilang maganap ito.
7 Hindi totoo ang mga pangitain nila at kasinungalingan ang mga hula nila. Sinasabi nilang iyon ang ipinapasabi ko pero hindi iyon nanggaling sa akin.
8 “Kaya ako, ang Panginoong Dios ay nagsasabi na kakalabanin ko sila dahil kasinungalingan ang mga hula nila at hindi totoo ang kanilang mga pangitain.