11 Siya at ang mga sundalo niya, na siyang pinakamalulupit na sundalo sa lahat ng bansa ang ipapadala ko sa Egipto para wasakin ito. Lulusubin nila ito at kakalat ang mga bangkay sa buong lupain.
12 Patutuyuin ko ang Ilog ng Nilo at ipapasakop ko ang Egipto sa masasamang tao. Wawasakin ko ang buong bansa ng Egipto at ang lahat ng naroon sa pamamagitan ng mga dayuhan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
13 Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Wawasakin ko ang mga dios-diosan sa Memfis. Wala nang mamumuno sa Egipto at tatakutin ko ang mga mamamayan nito.
14 Gagawin kong mapanglaw ang Patros, susunugin ko ang Zoan at parurusahan ko ang Tebes.
15 Ibubuhos ko ang galit ko sa Pelosium, ang matibay na tanggulan ng Egipto, at papatayin ko ang maraming taga-Tebes.
16 Susunugin ko ang Egipto! Magtitiis ng hirap ang Pelosium. Mawawasak ang Tebes, at laging matatakot ang Memfis.
17 Mamamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki ng Heliopolis at Bubastis, at ang mga matitirang tao sa mga lungsod na itoʼy bibihagin.