13 Sinabi pa ng Panginoong Dios, “Wawasakin ko ang mga dios-diosan sa Memfis. Wala nang mamumuno sa Egipto at tatakutin ko ang mga mamamayan nito.
14 Gagawin kong mapanglaw ang Patros, susunugin ko ang Zoan at parurusahan ko ang Tebes.
15 Ibubuhos ko ang galit ko sa Pelosium, ang matibay na tanggulan ng Egipto, at papatayin ko ang maraming taga-Tebes.
16 Susunugin ko ang Egipto! Magtitiis ng hirap ang Pelosium. Mawawasak ang Tebes, at laging matatakot ang Memfis.
17 Mamamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki ng Heliopolis at Bubastis, at ang mga matitirang tao sa mga lungsod na itoʼy bibihagin.
18 Kapag inalis ko na ang kapangyarihan ng Egipto, magiging madilim ang araw na iyon para sa Tapanhes. Mawawala na ang ipinagmamalaking kapangyarihan ng Egipto. Matatakpan siya ng ulap, at ang mga mamamayan sa mga lungsod niya ay bibihagin.
19 Ganyan ang magiging parusa ko sa Egipto at malalaman ng mga mamamayan niya na ako ang Panginoon.”