20 mula sa sahig hanggang sa itaas, pati na sa dingding sa labas ng Banal na Lugar.
21 Parisukat ang hamba ng pinto ng Banal na Lugar. Sa harap ng pinto ng Banal na Lugar ay may parang
22 altar na kahoy na limang talampakan ang taas at tatlong talampakan ang haba at tatlo ring talampakan ang luwang. Ang mga sulok, sahig at mga gilid ay puro kahoy. Sinabi sa akin ng tao, “Ito ang mesa sa harap ng Panginoon.”
23 Ang Banal na Lugar at ang Pinakabanal na Lugar ay may tigdalawang pinto,
24 ang bawat pinto ay may dalawang hati na maaaring itiklop.
25 Ang pintuan ng Banal na Lugar ay may mga nakaukit na kerubin at punong palma gaya ng sa dingding. At ang balkonahe ay may mga bubong na kahoy.
26 Sa bawat gilid ng balkonahe ay may maliliit na bintanang may nakaukit sa gilid na mga puno ng palma. Ang mga silid sa gilid ng templo ay may bubong din.