1 Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama,
2 “Hindi dapat palampasin itong mga sinabi mo. Hindi mapapatunayan ng isang tao na wala siyang kasalanan sa pamamagitan lang ng kanyang mga salita.
3 Sa tingin mo baʼy mapapatahimik kami ng mga sinasabi mong walang saysay? Akala mo baʼy hindi ka namin sasawayin sa iyong panunuya?
4 Sinasabi mong tama ang iyong paniniwala at matuwid ka sa paningin ng Dios.