16 Namumula na ang mukha ko at namumugto na ang mga mata sa kakaiyak.
17 Wala akong nagawang kasalanan at tapat ang aking panalangin.
18 “Ang katulad koʼy isang taong pinatay na nakikiusap sa lupa na huwag tatabunan ang kanyang dugo hanggaʼt hindi niya nakakamtan ang katarungan.
19 Kahit ngayon ang saksi koʼy nasa langit. Siya ang magpapatunay na wala akong kasalanan.
20 Hinahamak ako ng mga kaibigan ko; pero umiiyak ako sa Dios at humihingi ng tulong sa kanya.
21 Ang saksi ko ang siyang magmamakaawa sa Dios para sa akin, katulad ng taong nakikiusap para sa kanyang kaibigan.
22 Sapagkat malapit na akong pumanaw at hindi na babalik pa.