8 Ang mga taong nag-iisip na sila ay matuwid ay nagtataka sa nangyaring ito sa akin. Akala nilaʼy masama ako at hindi makadios.
9 Para sa kanila ang matuwid ay matatag ang pamumuhay at lalo pang nagiging matatag.
10 Pero hinahamon ko sila na minsan pa nila akong siyasatin. At tiyak na matutuklasan kong wala kahit isa sa kanila ang nakakaunawa.
11 Malapit nang matapos ang mga araw ko. Bigo ang mga plano koʼt hinahangad.
12 Pero sinasabi ng iba na baka sakaling maging mabuti rin ang kalagayan ko sa hinaharap, dahil sa kabila raw ng dilim ay may liwanag.
13 Ngunit kung ako man ay may pag-asa pa, doon ito sa lugar ng mga patay kung saan ako titira. At nais ko nang ilagay ang higaan ko sa madilim na lugar na iyon.
14 Ituturing kong ama ang libingan ko at ang mga uod ang siya kong ina at babaeng kapatid.